Ghost month na, safe ka ba?

NAGSIMULA na ang Ghost Month. Naramdaman mo ba ang kanilang pagdating?

Ayon sa tradisyong Tsino, sa unang araw ng ikapitong Lunar month ay nagbubukas ang “pinto” sa pagitan ng mga mundo ng patay at buhay. Dahil dito ay malayang nakakapaglakbay sa ating mundo ang mga multo na naghahanap ng pagkain at kasiyahan.

Upang payapain ang mga multo, naghahanda ng mga Tsino at ilang Pinoy ng pagkain at insenso para sa mga namayapa.

Narito ang ilan pang mga dapat at hindi dapat gawin sa panahon ng Ghost Month upang hindi malapitan ng multo:

Huwag pumito, lalo na sa gabi

Huwag manood ng mga horror movies.

Magdasal.

Huwag magpunta sa mga ospital, sementeryo at gubat.

Magsuot ng makukulay na damit. Huwag magsuot ng itim at pula.

Respetuhin ang kalikasan. Huwag pumatay ng paroparo o gamogamo.

Umuwi nang maaga. Ikandado ang pinto kapag nagsimula nang dumilim.

Kapag nakarinig ng mga boses, huwag pansinin. Dumiretso lang nang lakad.

Gupitin ang mahabang kuko.

Huwag mag-swimming sa dagat o sa pool.