Dagdag tips para sa nagpaplanong mag-abroad

SA araw-araw na trabaho naming mga recruiter, at pag-iinterview namin ng mga aplikante whether video or in-person, may iba na halos isang taon nang walang trabaho, at ang kanilang rason ay “nagresign sila dahil nag-apply sila papuntang abroad.”

May mga aplikante rin naman na imbes na mag-focus sa mga skills at capabilities nila, ang tanging dialogue palagi ay “sana makuha na ko ng trabaho kasi nangungutang lang ako pamasahe papunta rito.”

Right attitude? No.

Kung talagang goal mo ay mag-work abroad, naririto ang mga pwede mong gawin upang mapaghandaan ito:

1. Gumawa ng timeline

Plano mo bang mag-abroad after one or two years? Mas maiging simulan mo nang ayusin ang iyong sarili para maging ready mag-abroad. Check on what you need to improve and documents you need to prepare (passport, diploma and other legal documents).

2. Check your (present) employment contract

May clause ba sa kontrata mo with your current employer tungkol sa resignation mo like, liabilities, mga training conducts na meron binding clause? Mahirap na may maiiwanan ka pang mga monetary claims na dapat mong i-settle sa iyong current work bago ka mag-resign.

3. Observe job trends

Bago ka mag-decide na magtrabaho abroad, magandang alamin mo muna ang mga job trends. Yung trabaho mo ba ay magiging in-demand pa rin ba after two years? If that is so, eto na ang the best time na paghandaan mo na ang iyong dream job sa ibang bansa. Mag-follow ng mga pages about overseas work. Manood ng mga reputable vlogs about working abroad para marami kang matutunan pa.

4. Mag-aral mag-drive ng 4-wheel vehicle

Hindi palaging mayroong public utility vehicle sa ibang bansa. Mas mainam pa rin na marunong kang mag-drive. Malay mo, preparasyon yan para sa sarili mong sasakyan. May mga opportunities rin na ang mga trabaho abroad ay mag-ooffer ng service vehicle kaya mas maiging marunong ka nang mag-drive.

5. Mag-set aside ng ipon

Hindi pwedeng aasa ka na lang sa iyong last pay para sa araw-araw na gastusin mo, or manghihingi ng tulong sa iyong mga kapatid or sa magulang. Isipin mo ang mga possible mong gagastusin sa pag-apply – pamasahe papunta sa mga agency, pagkain mo sa bawat araw ng iyong pag-apply, maayos na damit para maging presentable, etc.

Hindi madaling makakuha agad ng trabaho abroad. Pero ikanga, laging nasa paghahanda ang susi ng lahat upang makamit ang iyong mga pangarap. Sa susunod ulit!


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]