SA aming tinatawag na #buhayrecruiter series, maraming karakter kaming natatatagpuan na hindi mo masasabing common or normal talaga sa mundong ito.
Minsan, kung hindi ka mapapataas ng kilay, ay mapapa-”face palm” ka na lang at maiiling kung bakit ganito sila. Ililista ko ang mga obserbasyon namin at bakit dapat itong malaman ng bawat aplikante:
Scenario No. 1 – Hindi ka nakuha pero kasamang nag-aplay na-hire
Kinuwestyon mo ang batayan ng employer mo at minasama ito dahil sa palagay mo ay “pareho naman kayo ng skills, at dahil katrabaho ka dapat kinuha ka na rin.”
Ano ang dapat na mind conditioning: Hindi kayo match ng employer na ito. Try to recall at re-assess what went wrong and try to improve it. Diskresyon ng employer ang paraan nila sa pagpili ng kanilang magiging empleyado. Hindi porket pareho kayo ng skill ng iyong kasama ay automatic makukuha ka rin.
Scenario No. 2 – nag-application hopping ka at nagsubmit ng mga CV or resume mo online
Nung tinatawagan ka hindi ka nagdala ng hard copy. Nung hinanapan ka ng print-out copy, pinagdiinan mo pa sa recruiter na nag-submit ka online at dapat sila ang nag-print kung ikaw ay tatawagan for interview (feeling entitled?).
Ano ang dapat na mind conditioning: Maging “I am ready” ka. Huwag kang mag-assume na dahil may copy sila online, ay hindi ka na magdadala. In the first place, how do you sell yourself if wala kang dalang bala mo sa pag-apply? Readiness is the key.
Scenario No. 3 – No show sa final interview (kahit virtual)
Ano ang dapat na mind conditioning: Sabihin mo ang totoo na ayaw mo nang ituloy ang aplikasyon mo at maging magalang ka. Send an apology email or sagutin ang recruiter na tumawag sa iyo at nagsikap na i-line up ka. Apologize at mauunawaan ka nila, pramis!
Scenario 4 – Magsumbong sa magulang para ireklamo ang ahensiya
Ito yung hindi ka na-hire at pinatawag mo pa ang magulang mo sa ahensya para magreklamo at kung ano-ano pa ang sinabi mo para lalong magalit ang iyong magulang sa agency (ay legit, first hand experience ko ito sa ilang aplikante ko ng cabin crew).
Ano ang dapat mind conditioning: Tanggapin ang katotohanan kung bakit hindi ka natanggap. Huwag masyadong bilib sa sarili mo dahil may itsura ka, at sa tingin mo ay kaya mo ang trabaho. Iiyak mo sa parents mo pero huwag ka nang magsumbong na parang bata. Tandaan mo, magtratrabaho ka sa kanila, at hindi sila ang mag-aadjust para sa gusto mo.
Stressful ang buhay ng isang recruiter na kagaya ko pero at the end of the day, marami pa rin mga aplikanteng mababait at sadyang humble at matyaga sa paghahanap ng trabaho. Let me leave it here, ikanga ng nababasa kong post sa Linkedin:
“You don’t hire for skills, you hire for attitude. You can always teach skills.” ― Herb Kelleher