Bb. Pilipinas coronation night aprubado ng IATF

PINAYAGAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious (IATF) ang pagdaraos ng Binibining Pilipinas 2021 coronation night sa Smart Araneta Coliseum sa Linggo.


Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, kailangan lamang magpakita ng negative RT-PCR test result 48 oras bago ang event at sumunod sa minimum health protocol.


Samantala, sinabi ni Roque na inamyendahan na ng IATF ang nauna nitong resolusyon na pinapayagan ang mga fully-vaccinated individuals na makabiyahe nang hindi sumasailalim sa RT-PCR testing.


Ayon kay Roque, desisyon pa rin ng mga lokal na pamahalaan kung hihingi ng RT-PCR test o tatanggapin ang mga vaccination card at sa interzonal travel.


Kasabay nito, pinayagan ng IATF ang pagsasagawa ng Foreign Service Officers Examination oral test na nakaiskedyul mula Hulyo 28-31para sa 26 na kukuha ng pagsusulit sa gusali ng Department of Foreign Affairs. –A. Mae Rodriguez