Anong dapat mong malaman sa isang recruitment agency?

HINDI maganda ang assumption na may responsibilidad ang bawat recruitment agency na pinili ng isang aplikante sa pagbibigay ng trabaho. Sa pag-aakalang pag nagsumite na sila ng aplikasyon, ang nakakundisyon na sa kanilang utak ay “mahahanapan ako nito ng trabaho.”

In the first place, hindi responsibility ng isang recruitment agency na hanapan ka ng trabaho. Both ways ito — ang kanilang responsibility ay para sa employer na naghahanap ng bagong trabahante, at ang aplikante na naghahanap ng trabaho. Ika nga, ang agency ay isang “match maker.”

Narito ang listahan kung ano talaga ang trabaho ng isang recruitment agency:

1. Ang agency ay lisensyado ng gobyerno upang magsilbing “conduit” ng aplikante at employer.

Bawat agency ay maghahanap ng nararapat na aplikante sa kanilang kliyente na nangangailangan ng kanilang services. At ang agency rin ay may obligasyon na maghanap ng isang aplikante na magma-match sa kanilang job vacancy.

2. Hindi obligasyon ng agency na hanapan ka ng trabaho dahil kailangan mo mabuhay ng maayos.


Hindi dahil nagsumite ka ng aplikasyon sa agency ay obligasyon na nila na hanapan ka ng trabaho. Ang trabaho ng agency ay job matching sa mga employers na sinisilbihan nila. Hindi rin obligasyon ng agency na i-fit ka sa trabaho dahil yun ang gusto mo. Ang obligasyon ng agency ay sundin ang kanilang initial requirements at criteria ng employer ypang maging tiyak na winner ang both sides.

Kung ikaw ay nagsumite ng aplikasyon sa isang agency, siguraduhin mo na may bakante para sa iyo at ito ay match sa iyong qualifications.

Tandaan, ang agency at employer ang magvavalidate na ikaw ay kwalipikadong maging kandidato ng kanilang kumpanya, hindi ikaw ang magvavalidate nito.

3. Irespeto ang procedure ng isang agency sa paghahanap ng aplikante.

May mga proseso ang isang agency na susundin sa pagja-job match sa isang aplikante. Ang isang agency ay hindi kukuha ng aplikante dahil siya ay naaawa, o kayang magbayad ng isang placement fee.

Tandaan ninyo, kung ang iyong kwalipikasyon ay aayon sa kanilang kailangan, ang mga dokumento o papeles mo ay naayon sa mga pagsasubmit sa mga embahada ng bansang pupuntahan para ma-issue ang iyong visa at ikaw ay papasa sa isang medical examination ayon sa standards ng kumpanya o bansang pupuntahan.


There you have it! Kaya pag kayo ay hindi natawagan o napili ng agency ay huwag natin silang I-bash sa kanilang social media page dahil sa pakiramdam mo ay pinaasa ka. In the first place, applicant ka nga at sinusubukan mo ang oportunidad na nakahain sa iyo. Hanggang sa susunod muli!


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]