KINAALIWAN ng publiko ang ginawang pambubuking ni Angelica Yulo sa hilig sa pagkain ng anak na si Karl Eldrew.
Sa Facebook, shinare ni Angelica ang meme ukol sa isang bata na nabundat sa kakakain.
Mababasa sa meme:
“Ma ano ulam?”
“Ma gusto ko ng ano.”
“Ma kain ako nito.”
“Ma kain ako ulit.”
“Ma kainin ko na ito.”
“Yung anak mong maya’t-maya gutom.”
“Eeeellllllddddrrreeeewwww…Ma, luto mo ako 5 itlog at kalahating kilong bacon. Wwwwwaaaaahhhh ahahah,” caption ni Gng. Yulo.
Nakabalik na ng Japan si Eldrew at kapatid na si Elaiza para sa kanilang gymnastics training.
Kamakailan ay nakasungkit ng dalawang gold medals at dalawang silver si Eldrew sa 3rd JRC Artistics Gymnastics Stars Championships sa Bangkok, Thailand.