MADALAS na may mga nababasa tayong mga “meme” sa social media patungkol sa mga tinitiis ng mga Pinoy na nagtratrabaho sa abroad – mapa-love life, pera, kalokohan o kalungkutan.
Totoong mahirap mawalay sa pamilya. Alam ko iyon, anak ako ng isang OFW. Naranasan ko na wala sa tabi ko ang aking ama sa 19 taon. Maraming sakripisyo ang kanyang dinanas upang marating ko sa kung ano ako ngayon.
Kamakailan ay napag-usapan namin ng kasamahan ko sa industriya ang mga kadalasang nararanasan at masalimuot na sinasapit ng ating mga OFWs habang nagtatrabaho sa ibang bansa. Marami sa kanila ang tila hindi napaghandaan ang pagtratabaho sa abroad.
Maliban sa mga tips na una na nating nailathala tungkol sa mga dokumentong dapat ihanda, meron ding mga habilin na dapat isapuso at isaisip ang isang aspiring OFWs.
Narito ang siyam na habilin, ayon kay Isabel Domingo, isang Employee Relations Manager:
1. Intindihin mabuti ang inyong employment contract
Basahing mabuti ang iyong kontrata bago pirmahan. Kung ano ang iyong pinasok na trabaho, tapusin mo. Alamin kung ang kontrata ay makabubuti sa iyo. Pag-isipang mabuti. Magtanong sa agency kung merong probisyon sa kontrata mo na hindi mo nauunawaan.
I-check na mabuti kung may stamp na katunayan na aprubado ito ng POEA, at pirmado ng mga namamahala ng ahensiya na magpapalis sa iyo. Magdala rin ng kopya ng kontratang napirmahan pag-alis at itago ito for future reference.
2. Sumunod sa batas ng bansang iyong pupuntahan.
Kung medyo pasaway ka sa Pinas, huwag na huwag na gumawa ng kalokohan sa ibang bansa.
Kadalasan na nagiging dillema ng Pinoy na nagtratrabaho sa abroad ay ang mangutang at i-abscond ang utang pag tapos na ang kanilang kontrata, o di kaya ay hindi tumutupad sa batas trapiko.
Worse ay ang magnakaw, mainvolve sa romantic relationship at magkaroon ng love child out of wedlock (sa Middle East ay bawal ito)at illegal gambling. Kaya hangga’t maaari ay maging “good boy/girl” ka habang tinatapos ang iyong kontrata at para madaling makakuha ng Foreign Police Clearance na may good remark (lalo na kung ang plano mo ay magtrabaho sa Canada, Amerika o Europe).
3. Alamin ang address ng Philippine Consulate or Philippine Overseas Labor Office (POLO).
Pasyalan agad ito pagdating mo sa bansang iyong pagtatrabahuhan. Mabuting malaman mo kung saan ka pupunta upang magproseso ng iyong mga legal documents, o di kaya ay kung ikaw ay nakakuha ng lilipatan pagkatapos ng iyong kontrata at para maisumite ang iyong bagong kontrata, or magpapakasal (pag nakita mo na ang “the one” na wala sa Pinas).
At isa pa, ang pagiging registrado sa konsulada/embahada ng Pilipinas at sa POLO ay mahalaga para matulungan ka kapag ikaw ay nasa panganib (gaya ng mga bansang nagkaroon ng civil unrest, i.e., Ukraine, kung saan legal at nakalista ang isang OFW as priority para marepatriate.)
4. Habang nakabakasyon sa Pinas, i-process ang iyong Overseas Employment Certificate o OEC sa POEA website.
Mag-set ng appointment online sa link na ito – POEA :: Balik-Manggagawa Online Processing System (bmonline.ph). O di ba, pag naayos mo na ang iyong OEC o exit clearance, makakapagbakasyon ka nang matiwasay kasama ang iyong pamilya.
5. I-update ang inyong mga membership payments – SSS, Philhealth, PAGIBIG at Overseas Workers Welfare Administration(OWWA) para makuha ang nararapat na benepisyo para sa iyo.
Naalala ko noong ang Tatay ko ay nag-update ng kanyang SSS pagkalipas ng 16 years nya sa pagtratrabaho nya sa Saudi Arabia. Sa awa ng Diyos ay naihabol nya ang mga dapat pa nyang bayaran para maging eligible s’ya sa nalalapit nyang retirement. Sadly, iniwan nya kami kaagad at the age of 53, ngunit nakatulong ang kanyang SSS para makakuha kami ng pensyon.
Isi-share ko ang remaining four na habilin sa susunod na article ko sa Biyernes.