PITO sa 10 Pinoy na Katoliko ang nagdarasal isang beses kada araw, ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Station nitong huling quarter ng 2022.
Ginawa ang survey noong Disyembre 10 hanggang 14, 2022, para malaman kung ilang beses nga ba nagdarasal ang mga Filipinong Katoliko.
Tinanong ng SWS ang 1,200 respondents na may edad 18 pataas at pawang mga Katoliko.
Ayon sa survey, 10 porsyento ang nagsabi na ilang beses silang nananalangin sa isang linggo samantalang 6 na porsyento naman ang nagsasabi na nagdadasal sila kada linggo.
Apat na porsiyento naman ang nagsabi na dalawa hanggang tatlong beses kada linggo kung sila ay magdasal habang 4 na porsiyento ang nagdarasal kada buwan; 2 porsiyento ang nagdarasal kada linggo; 1 porsiyento na maraming beses sa isang taon; 1 porsiyento ang nagdarasal ng isa hanggang dalawang beses kada taon; isang beses kada taon.
Tanging 1 porsiyento lamang ang nagsabi na hindi nagdarasal.
Samantala, 38 porsiyento naman ang dumadalo sa religious services isang beses kada linggo.
Bukod dito, 93 porsiyento ang personal na pumupunta sa simbahan sa nakalipas na tatlong buwan.
Inilabas ng SWS ang survey isang araw bago ang Ash Wednesday ngayong Pebrero 22 na hudyat ng pagsisimula ng 40 araw bago ang Mahal na Araw.