6 tips para sa gustong maging flight attendant

WOMEN’S MONTH ngayong Marso, kaya talakayin natin ang ilang tips para sa mga kababaihan na gustong mag-aplay bilang flight attendat o airline cabin crew.

Sa mga panahong nakakapag-interview ako ng mga aplikanteng nais maging flight attendant, lagi kong tinatanong sa kanila bakit gusto nilang maging flight attendant. At karamihang sagot ay pangarap daw nila ito noong sila ay bata pa at gusto nilang makapagbyahe sa ibang bansa nang libre.

Kung nabasa nyo ang first column ko tungkol sa paghahanda ng mga dokumento,
Read: https://pinoypubliko.com/life/gustong-magtrabaho-sa-abroad-5-dokumentong-dapat-ihanda/

narito naman ang ilang dagdag tips para sa pag-aaplay na maging flight attendant.

Unti-unti ng nagbabalikan ang mga local at international airlines sa paghahanap ng mga Pinay na ang goal ay  to “earn their wings.” 

Take note: Hindi kailangan mataas ang pinag-aralan. High school graduate (K-12) pwede na.

Kaya heto ang 6 tips para maging handa sa pag-apply dito: 

  1. Grooming

    Hindi basta-basta ang pag-aaplay bilang flight attendant. Ituring mo na rin ito na parang beauty contest.

    How to prepare?

    A. Skin care

    Mag-invest sa isang skin care regimen. Kung may budget, magpakonsulta ka sa dermatologist. May mga nunal ka ba o peklat sa mukha (i.e. Chicken Pox/Acne) na kailangan ipatanggal o ipaayos. Ang mga braso at legs na may scar tingnan din, mga spider veins and varicose veins ipakonsulta na rin.

    Huwag pabayaan ang kutis sa mga paa. Hindi dahil closed shoes ang gagamitin palagi ay dapat nang i-ignore ito.

    Kung walang budget, maraming beauty regimen o right skincare for you sa Internet. May mga dermatologist na may mga vlogs na pwede mong maging reference. Ang pinakamatipid – hydrate. Drink lots of water!!!

    B. Alagaan ang ngipin

    Kailangan malinis, walang stain at pantay ang iyong mga ngipin. Wala din dapat mga awang-awang lalo na kung ikaw ay ngingiti ‘pag naka-side view.

    Visit your dentist regularly at sundin ang kanilang tips para mapangalagaan mo ang iyong mga ngipin.
    Sa mga mahihilig uminom ng kape or milktea, ugaliin na uminom ng tubig or magmumog after para mawala ang stains na naiiwan ng caffeine at sweets. If naka-brace, huwag pilitin na tanggalin, dahil sayang ang treatment.

    C. Healthy hair

    Kailangan maayos at healthy rin ito, lalo na kung ito ay naka-bun. Kung maikli ang buhok, ayusin na naayon sa business look.

    D. Pananamit

    Magsuot ayon sa prescribed na outfit sa pag-aaplay. Invest in a pair of blazers and skirts (black, blue or brown), a decent inner shirt, and a pair of black, high heeled shoes (close toe – round tip dahil timeless ito.) Invest also in a simple jewelry – a small dainty pair of pearl earrings or studs, and a good functional watch that you can use at work, not a fashionable one (kailangan ito pag emergency cases sa eroplano).

    E. Posture

    Paano umupo, maglakad at tumayo, at basic make-up application – hanap ka ng mga vlogs or babasahin about etiquette at looks  ng mga flight attendants para matutunan ito like sa Flyhigh Manila –https://flyhighmanila.com.ph/)
  1. Communications skills

    English ang main language. Mabuti rin kung ikaw ay may basic knowledge sa salita ayon sa bansa ng airline na gusto mong puntahan  gaya ng arabic, any asian language. Gayunman, matututunan mo rin ito sa trabaho.

    At kapag nagsalita ka na ng English, be mindful sa pronunciation, intonation at maging sa kung paano mo ito idedeliver. Magpraktis sa harap ng salamin habang nagsasalita ng English habang nakangiti. Never use “fillers” like “ahhhh”, “eehhh”, “sooo”, “and thennnn”, “well..”
  1. Read, read and read

    Karamihan sa mga aplikante ng ganitong trabaho ay inaakalang ganda lang ang investment. Ang mga flight attendant ay dapat smart. Alam ang mga safety rules, basic laws, kultura ng bawat bansang pupuntahan, at kung ano-ano pa. Ikanga ng isang international airline employer, magbabasa ng about 800 pages na manual ang isang flight attendant at kailangan i-memorize nya ito para maiapply nya sa kanyang trabaho. 
  1. Healthy and fit

    Alamin mo ang iyong Body Measure Index (BMI) ng iyong katawan ayon sa iyong height and weight. Magkaroon ng exercise routine at disiplina sa pagkain. Drink alcohol ocassionally. Iwasang manigarilyo or vape (nakatuyo ng balat yan girl), at magpuyat.
  1. Mag-aral lumangoy ng at least 50 mm unattended

    Isa ‘yan sa mga basic requirements sa mga nais maging flight attendant dahil kailangang-kailangan ito sa panahon ng emergency sa eroplano.
  1. Maging confident

    Kung magagawa mo yung tips 1 – 5, sigurado akong mayroon ka na nito. 

Remember to find a legitimate POEA-licensed agency kung ang target mo ay abroad (gaya ng Industrial Personnel And Management Services, Inc.   @ipamsph na actively recruiting para sa isang budget airline sa Saudi Arabia) or kung local man, may mga reputable vloggers gaya ng  Facebook Page ni Mr. Mond Ortiz https://facebook.com/mondortizFH  na isang pinoy or yung sikat din na vlogger/Australian writer na si Sam Chui – https://samchui.com/ para malaman ang mga  latest update sa airline industry. 

Tandaan, ang pagiging flight attendant ay hindi puro ganda lang ang dapat paghandaan. Brains pa rin ang pinakamahalaga para you can “earn your wings”.

Until our next column!


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]