LALONG sumama ang kondisyon ng buhay ng 57 porsiyento ng mga Pinoy, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Station.
Ayon sa survey na ginawa noong Setyembre 12 hanggang 16, 57 prosiyento ng mga tinanong ang nagsabi na lalong pumangit ang takbo ng kanilang buhay habang 13 porsiyento naman ang nagsabi na gumanda at 29 porsiyento ang naniniwalang pagbabago rito.
Pumalo naman sa -44 ang net gainers, na ayon sa SWS ay ‘extremely low.’
Mas mababa ito ng 13 puntos kumpara sa -31 noong Hunyo 2021.
Noong Setyembre 2020, nasa ‘catastrophic’ -76 ang net gainers, samantalang nasa ‘extremely low’ na -48 noong Nobyembre 2020 at ‘very low’ na -31 noong Mayo 2021.