NAGTULOY-tuloy na ang Alert Level 1 sa malaking parte ng Pilipinas. Marami tayong mga nagtatrabaho ang gigil na gigil nang rumampa sa probinsya para magbakasyon lalo na ngayong Holy Week.
Maliban sa mga relihiyosong tradisyon na maari nang gawin ngayong Semana Santa, marami na ring mga paraan paano ka magiging “well-rested and pampered” bago ang Lunes.
Ngunit dahil ang immediate supervisor mo ay nasanay na ata na lagi kang “open at available” para mapagtanungan tungkol sa iyong trabaho, kadalasan ay nasasanay na sila na kahit ikaw ay nakabakasyon, inaasahan nilang sasagot ka sa mga pangangailangan ng trabaho.
Paminsan-minsan, subukan mo ring lumabas at sumagap ng sariwang hangin (yung tipong pwedeng-pwede mong tanggalin ang iyong facemask basta walang ibang tao), or hindi kaya ay magkaroon ng “change of scenery or gumawa ng kakaibang bagay”
Here are some tips na makatutulong para mapaghandaan ang isang “long holiday vacation” hindi lang tuwing Semana Santa, kung dahil “deserve mo ito”:
1. Mag-turn over nang maayos sa pagbibilinan ng iyong trabaho.
Mainam din na gumawa ng listahan at mga links kung saan makikita ang possible shared files at mga stages ng mga transactions mo sa work para hindi sila malito or ma-force ka na tawagan habang nasa bakasyon ka. Ipaalam sa mga kasama sa trabaho kung may mga pagkakataon na walang signal ng mobile network at data ang pagbabakasyunang lugar para maihanda rin ang mapag-iiwanan. I-orient siya at least a day bago ka hindi pumasok.
Huwag mo rin kakalimutan na pasalubungan ang taong humalili sa iyong trabaho noong panahong bakasyon ka bilang pasasalamat. Siguradong sa uulitin masaya niyang akuin ulit kahit saglit ang iyong mga maiiwanan.
2. Kung kakayanin, mag-internet data detox ka muna.
Kung sagana sa signal ang lugar na pupuntahan mo, mas maiging limitahan ang sarili sa pagba-browse ng emails at social media. Mag-enjoy sa lugar kung saan ka titira ng limitadong araw at diskubrehin ano pa ang mga natatagong yaman sa lugar na iyon.
3. Piliin na gugulin ang bakasyon sa iyong mga kasama.
Kain, pasyal, have fun! Huwag kang ma-guilty sa nararanasan mong freedom from work kahit pansamantala lang. Meet new people and subukang pumulot ng karampot na kasaysayan sa lugar na iyong pinipuntahan.
Kung pamilya mo naman ang iyong kasama, ito ang pagkakataon na bumawi sa mga araw na hindi ka laging kasama. Lalo na sa mga anak.
4. Kung walang paaraan para bumyahe habang walang trabaho, gawing makabuluhan ang bakasyon (sa bahay).
Maraming magawa kahit nasa bahay ka. Iluto ang recipe na gustung-gustong subukan. I-organize ang iyong wardrobe at clothes cabinet. Pwede rin mag-Netflix binge. Magbasa ng mga librong nakatambay at naalikabukan na sa bookshelf. Magbasa ka kaya ng Philippine History (para hindi maging kamote gaya ng mga sumali sa PBB). Basta, anything na hindi mo nagagawa on your regular, normal days!
5. Take care of yourself mentally.
Ito rin yung panahong gusto mong mag-touch base sa sarili mo at tanungin “kaya mo pa self?” sa mga nangyayari sa buhay, career at isama mo na ang love life (kung mayroon ka).
Ito rin yung panahon na me tinatawag na “soul searching” at “intimate and longer communication with God/Allah” kung ano nga ba ang purpose ng iyong buhay.
Maging mapagpatawad sa mga pagkukulang sa sarili. Mag-let go at mag-move on sa mga tao at pangyayari na nagbigay ng kirot at pasakit sa iyong buhay. Itapon ang mga pangyayaring hindi nakakatulong sa iyong self-growth, at maging open sa mga challenges na dadating pa sa iyo. Adulting, ikanga.
Nawa’y maging makabuluhan ang iyong bakasyon ngayon Semana Santa. Hanggang sa Byernes ulit!