NOONG ako’y makasama sa isang recruitment event ng pinakamalaking airline sa Middle East, nakita ko talaga ang tyaga ng mga Pinoy sa pag-aaplay para maging bahagi ng kanilang kumpanya.
Marami ang nainip sa proseso ng aplikasyon noong pahanong iyon dahil halos 3,000 ang pumunta sa loob ng dalawang araw na event at marami talaga ang na-challenge ang kanilang tyaga!
Pero heto ang mga napansin ko sa mga aplikante during the event na sana ay hindi ginagawa:
1. Hindi marunong sumunod sa instructions
Dapat maging alisto ka bilang aplikante dahil isa ito sa mga paraan para makita ang iyong abilidad. Hindi ka pwedeng mangatwiran na malayo pa ang pinanggalingan mo para ikaw ay mag-apply.
Maging flexible ka at open minded. Matutong rumespeto sa mga nagga-guide sa iyo mula sa security guard hanggang sa mga assistants. E kung ikaw ay ma-hire sa trabahong iyon, hindi ba makakasama mo rin sila sa kumpanya?
2. Maikli ang pasensya
Karamihan ay pinapakita na ang bad attitude at iniisip na hindi sila nabibigyan ng importansya. Matutong sumunod sa proseso at sundin ang no. 1.
3. Self-entitlement
May mga iba na hindi matanggap ang desisyon ng employer bakit hindi tinanggap ang kanilang aplikasyon after series of interviews.
Laging maging magalang sa employer at sa mga aplikanteng katulad mo. May mga aplikanteng lumalabas ang ugali lalo na kung sa tingin nila ay “deserving sila” sa inaaplayang trabaho. It is good na alam mo ang gusto mo at paano ka magtratrabaho, ngunit ang employer pa rin ang makapagsasabi nun at hindi ikaw.
4. Magsama ng magulang tuwing nag-aaplay sa trabaho
Maging independent.
Nagulat ako sa aming event, at paulit-ulit na nangyayari ito. Okay naman na may suporta ka sa iyong mga magulang sa paghahanap ng trabaho — yung tipong ihahatid ka sa lugar na pupuntahan mo, o di kaya bibigyan ka ng baon pangkain.
Pero kung sumawsaw na sila at magdedemand na kausapin ang employer asking reasons why hindi natanggap ang anak nila ay ibang klase na.
Tandaan na may sinusunod na qualifications ang employer para mag-fit sa kanilang kumpanya at hindi ikaw ang magdidikta nito.
Depende sa kultura na nakalagay sa “Mission at Vision” ng kanilang kumpanya, doon nila malalamam kung talagang ikaw ang kanilang hinahanap.
Sana makatulong. Until next Friday!
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]