SINABI ng Social Weather Stations (SWS) na tatlo sa 10 Pinoy ang nakaranas ng one sided na pag-ibig.
Sa isinagawang survey ng SWS mula Disyembre 10 hanggang 14, tinanong ang mga respondent kung nakaranas sila ng pagmamahal na hindi nasuklian kung saan 33 porsiyento ang sumang-ayon.
Samantala, 33 porsiyento rin ang nagsabi na umamin sila ng kanilang nararamdaman sa isang kaibigan, 40 porsiyento sa mga lalaki at 25 porsiyento maman sa babae.
Ayon pa sa SWS, 50 porsiyento ng umamin ng kanilang naramdaman ang hindi nasuklian ng kanilang alok na pag-ibig.
Sinabi pa ng SWS na 57 porsiyento ng Pinoy ang nagsabi na masaya-masaya sila sa kanilang lovelife; 25 porsiyento ang naghahangas na sasaya pa at 17 porsiyento naman ang walang lovelife.
Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa mga respondent.