PASOK ang 16 Pinoy sa Forbes’ 2024 listahan ng mga pinakamayayaman sa buong mundo.
Umabot sa 2,781 ang kasama sa listahan ng richest people in the world, at pinakamarami rito ay nasa Estados Unidos na 813 at sinundan ng China na may 473 at India na may 200.
Nangunguna sa listhan ng mga Pinoy na pinakamayaman ay ang real estate magnate na si Manuel Villar, asawa ni Senador Cynthia Villar, na nasa ika-190 pwesto at may net worth na $11 bilyon.
Nasa ikalawang pwesto naman si ports tycoon Enrique Razon na nasa ika-224 pwesto at may net worth na $10 bilyon.
Ikatlo sa listahan ay ang food abd beverage king na si Ramon Ang na nasa ika-920 pwesto na may net worth $3.5 bilyon.
Narito ang iba pang mga Pinoy na nakapasok sa billionaires’ list base sa kanilang ranking at networth.
1286. Hans Sy ($2.6 billion)
1330. Henry Sy Jr. ($2.5 billion)
1330. Herbert Sy ($2.5 billion)
1330. Lucio Tan ($2.5 billion)
1380. Harley Sy ($2.4 billion)
1438. Teresita Sy-Coson ($2.3 billion)
1545. Elizabeth Sy ($2.1 billion)
1623. Andrew Tan ($2 billion)
2152. Tony Tan Caktiong ($1.4 billion)
2410. Lucio Co ($1.2 billion)
2545. Susan Co ($1.1 billion)
2545. Lance Gokongwei ($1.1 billion)
2692. William Belo ($1 billion)
Ang magkakaptid na Sy ang may-ari ng SM group of companies na kinabibilangan ng SM Prime, SM Investments, BDO, Chinabank, 2 GO, Goldilocks at iba pa.
Si Lucio Tan naman ay siyang founder ng LT group na kinabibilangang ng Fortune Tobacco, Asia Brewery, Philippine National Bank, PAL, Eton Properties, among others.
Pag-aari naman ni Andrew Tan ang Alliance Global Group, na kinabibilangan ng Megaworld, Emperador Incorporated, McDonald’s Philippines, at iba pa.
Si Tony Tan Caktiong naman ang founder ng Jollibee Foods Corporation.
Lucio and Susan Co ang may-ari ng Puregold Price Club habang si Lance Gokongwei naman ang pinuno ng JG Summit Holdings, na kinabibilangan ng Cebu Air or Cebu Pacific airlines, Robinsons Land, Universal Robina at iba pa.
Si William Belo naman ang chair ng Wilcon Depot.