ICYMI: BLACKPINK’s comeback single ‘Pink Venom’ tops iTunes song charts

NASA cloud nine ang mga Blinks matapos mai-release ang comeback single na “Pink Venom” ng kanilang idols na BLACKPINK very recently.

Inilabas ng South Korean girl group na binubuo nina Jennie, Lisa, Jisoo and Rosé ang official music video ng “Pink Venom” sa YouTube nitong Biyernes, August 19.  

At matapos nga itong mai-release, nag-top na agad ito sa iTunes songs chart sa 69 bansa all over the world as of Saturday.

“I bring the pain like… This, that pink venom / Get ’em, get ’em, get ’em / Straight to ya dome like woah, woah, woah,” bahagi ng lyrics ng bagong single ng BLACKPINK.

Bahagi ang “Pink Venom” ng teaser ng grupo para sa kanilang second album na “Born Pink” na ilalabas naman sa September 16. Ito ang kanilang magiging second-full length album matapos mai-release ang kanilang debut album noong 2020 na may title na “The Album”.