NANAWAGAN sa pamahalaan si Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis Jr. na bigyang-pansin ang kalagayan ng mga manggagawa sa informal sector na isa mga pinakaapektado ng matinding init ng panahon.
Sa isang panayam, ipinunto ni Ortiz-Luis na hindi kagaya ng mga empleyado, walang mga employers na nagpoprotekta sa delivery riders, magsasaka, mangingisda at iba pang manggagawa sa informal sector.
“Hindi napapansin ‘yung mga informal sector. Doon sana itutok ‘yung effort kung paanong tutulungan ‘yung mga ‘yun dito sa init,” pahayag niya.
Apektado rin ng trapik at matinding init ng panahon ang mga ito kaya dapat ay regular na nakararating sa kanila ang advisory sa lagay ng panahon.
“Para guided naman sila kahit wala silang employers,” dagdag ni Ortiz-Luis.