Publiko pinag-iingat sa sobrang pagkain sa holiday

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa publiko sa sobrang pagkain para makaiwas sa “holiday heart syndrome.”

Paalala ni Health Secretary Teodoro Herbosa, limitahan ang pagkain ng matataba, maaalat at matatamis ngayong Pasko at Bagong Taon.

“Damihan ang pagkain ng gulay at prutas na dapat ay kalahati ng inyong pinggang Pinoy. Humanap po tayo ng oras na mag-ehersisyo,” ayon sa Kalihim.

Punto niya, ang eating in moderation at page-exercise ang daan upang makaiwas sa  “holiday heart syndrome,” na maaaring humantong sa arrhythmia o abnormal na ritmo ng puso, isang sanhi ng stroke.