PASOK pa rin ang Pilipinas sa top 10 na bansa na may malalang bilang ng kaso ng tuberculosis o TB.
Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante isa ang Piliponas sa mga bansang pinanggagalingan ng 80 prosiyento ng mga kaso ng TB.
Ayon kay Solante na nasa Top 5 din ang Pilipinas sa mga bansang nagdudulot ng multidrug resistant sa TB.
“At alam natin na ang tuberculosis ay matagal na sa Pilipinas at hanggang ngayon, although marami na tayong mga programa sa tuberculosis on the government side especially iyong directly observed treatment natin na accessible na iyong treatment support ng mga pasyenteng may TB, but because of poverty, because of the very poor condition ng ating mga kababayan minsan ay mataas pa rin ang hawaan ng tuberculosis because for me I think, it’s a disease of poverty,” aniya.
Ayon pa kay Solante, mananatili ang TB hangga’t hindi natutugunan ang kahirapan sa bansa.