Pag-inom ng alak nakakabobo?

KONTI man o marami, nakakapinsala ng utak ang pag-inom ng alak, ayon sa bagong pag-aaral na ginawa ng University of Oxford.


Nadiskubre ng mga researcher na may kaugnayan ang pag-inom ng alak sa bilang ng gray matter sa utak.


Ang gray matter ay mga bahagi ng utak na may kinalaman sa muscle control, at sensory perception gaya ng paningin at pandinig, memorya, damdamin, pagsasalita, paggawa ng desisyon, at self-control.


Napag-alaman nila na kumokonti ang gray matter ng isang tao kapag umiinom ito ng alak. Kahit ang mga paminsan-minsan lang uminom ay mas konti ang gray matter kesa sa hindi umiinom.


Wala ring diperensya kung ano ang iniinom, maging ito ay beer, wine o hard.


“No safe dose of alcohol for the brain was found,” ayon sa mga researcher.