IDINEKLARA ng WORLD Health Organization (WHO) nitong Miyerkules ang mpox bilang global public health emergency sa ikalawang pagkakataon sa loob ng dalawang taon.
Ito ay matapos na magkaroon ng outbreak ng viral infection sa Congo at kumalat sa mga kalapit nitong bansa.
Sa Australia, naiulat na may 35 bagong kasong naitala sa loob lang ng 15 araw.
Mula noong 2022 na unang idineklara ang global outbreak ng mpox, may 97,000 kaso ang naireport sa iba’t ibang bansa maliban sa Africa.
Nakakahawa ang sakit sa pamamagitan ng skin-to-skin contact, at kadalasan nagsisimula na parang pimple sa mga parte ng katawan gaya ng genitals, puwitan.
Ilan pa sa mga sintomas nito ay gaya ng trangkaso.