LIMA na ang opisyal na bagong kaso ng mpox sa bansa, ayon sa Department of Health.
Ang pinakahuling kaso ay isang 26-anyos na babae sa Metro Manila at isang 12-anyos na batang lalaki sa Calabarzon, ayon sa DOH.
Parehong milder case lamang ang mga ito o ang Clade 2 variant at hindi ang deadly strain na kinatatakutan sa buong mundo.
Ayon pa sa DOH, nakaranas ng sintomas ang babaeng pasyente noong Agosto 20 nang maglabasan ang mga rashes sa mukha at likuran na may kasamang lagnat. Pinag-home isolation ang pasyente.
Agosto 23, nang kumalat ang rashes sa kanyang maselan na bahagi, braso at katawan. Masakit din anya ang kanyang lalamunan at may lymph nodes sa leeg.
Samantala, ang 12-anyos na lalaki ay naka-experience ng sintomas noong Agosto 10. Nagkaroon ng rashes sa mukha, binti at maselan na bahagi ng katawan.
Hindi naman bumiyahe ang dalawa sa loob ng tatlong linggo simula nang makaranas ng sintomas. At ngayon ay nagre-recover sa kani-kanilang mga tahanan, dagdag pa ng DOH.
“Anyone can get mpox. Mpox can be transmitted to humans through close, intimate contact with someone who is infectious, with contaminated materials like used clothes or utensils, or with infected animals,” paliwanag ng DOH.