NANGANGAMBA ang Department of Health (DOH) sa posibilidad na umabot sa 500,000 ang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa Pilipinas sa 2030.
Ayon kay DOH Undersecretary Eric Tayag, hindi imposible ang numero dahil mula sa anim ay nasa 50 ang kaso ng HIV na naitatala kada araw.
“Ang tantiya po namin ay nasa 185,000 ang may HIV at sa mga ilang taon pa ay baka umabot tayo ng kalahating milyon in 2030,” ani Tayag.
Sa ulat ng opisyal, tumataas ang kaso ng HIV sa mga edad 15-24, pero nananatiling nasa 25-34 edad ang karamihan ng tinatamaan ng naturang sakit.
Sinabi ng kagawaran na tinututukan din nito ang mga buntis na overseas Filipino workers (OFW) at ang mga nagtuturok ng gamot gamit ang kontaminadong karayom.