SINABI ng isang eksperto na posibleng ideklara ang outbreak ng hand, foot and mouth disease sa bansa sa harap ng pagkalat ng sakit.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na patuloy ang pagdami ng mga kaso ng hand, foot and mouth disease maging dito sa
National Capital Region (NCR).
“Medyo kalat na itong Hand, Foot and Mouth Disease. Actually, nag-start iyong outbreak na ito last October sa San Pascual, Batangas, at affected nito are 105 cases at kadalasan dito ay mga bata ages 1 to 16 years,” sabi ni Solante.
Ayon pa kay Solante, 540 kaso ang naitala sa Albay noong Nobyembre 2022, ito naman doon sa Albay na nakitaan na around 540 cases.
“At kadalasan pa rin ay between 1 year old to 10 years old. And then mayroon ding kaso noong November pa rin sa Region I, dito naman mas marami ito, 145 cases; ito ay affecting 4 to 9 years old. At ngayon, iyong niri-report ng Department of Health dito sa National Capital Region, from October to December, naitala na rin ‘no around 155 cases, and majority are those less than 11 years old,” dagdag ni Solante