MARAMING kaso ng bagong Langya virus ang naitala China.
Ayon sa ulat, nadiskubre ang mga impeksyon sa silangang Shandong, China at gitnang Henan kung saan 35 katao ang apektado, ayon sa ulat ng New England Journal of Medicine.
Tinawag ang virus na Langya henipavirus or LayV, kung saan kabilang sa mga sintomas ay ang lagnat, fatigue, ubo, pagkahilo at sakit ng ulo.
Nakaramdam ang ibang mga tinamaan ng virus ng abnormalidad sa blood cell at epekto sa liver at kidney.
Karamihan sa mga tinamaan ay mga magsasaka.