PINAALALAHAN ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pagkain ng halo-halo bilang panlaban sa matinding init ng panahon.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, maraming sangkap ang halo-halo na madaling masira na posibleng maging dahilan para magkasakit ang isang indibidwal.
“Watch out sa pagkain ng halo-halo ngayong summer season. Dumadami ang kaso ng diarrhea dahil sa pagkain ng halo-halo,” ayon sa opisyal.
Ginawa ni Herbosa ang panawagan matapos ang balita na ilang katao ang isinugod sa ospital sa Kidapawan City dahil sa pagkain diumano ng sirang halo-halo.
Ayon kay Herbosa, maraming sangkap ang halo-halo na madaling ma-contaminate lalo na kung ito ay naiinitan, gaya ng gatas.
“It could be contaminated and cause acute gastroenteritis,” dagdag pa niya.