Dengue cases sa PH tumaas

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng halos 35,000 dengue cases at 180 dengue-related deaths mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Sa ulat nitong Huwebes, sinabi ng DOH na may kabuuang 34,938 na kaso ang naitala sa unang limang buwan ng taon, mas mataas ito ng 23 porsiyenrto sa naitala noong 2021 sa kahalintulad na mga buwan.

Karamihan sa mga kaso ng dengue ay mula sa Central Visayas (4,544), Central Luzon (4,312), at Zamboanga Peninsula (3,215).

Mula Abril 24 hanggang Mayo 21, may kabuuang 10,738 na kaso ang naitala.

Ayon sa ahensya, ang mga sumusunod na rehiyon ay nag-ulat ng pagtaas ng mga kaso mula Abril 24 hanggang Mayo 21:

* Cordillera Administrative Region
* Cagayan Valley
* Central Luzon
* MIMAROPA
* Bicol region
* Western Visayas
* Central Visayas
* Zamboanga Peninsula
* Davao region
* Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao