SISIMULAN na ng pamahalaang lokal ng Maynila ang pagpapatayo ng Manila Cancer Center (MCC) ngayong buwan.
Layunin ng pamahalaang lungsod ng makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga residente na nakikipaglaban sa kanser.
Pangungunahan mismo nina Manila Mayor Honey Lacuna at Manila 5th district Rep. Irwin Tieng ang gagawing groundbreaking ceremony ngayong buwan.
Pinapurihan ni Tieng si Lacuna sa paglalaan nito ng 2,000 square meters na lote para sa itatayong limang palapag na center sa loob ng compound ng Ospital ng Maynila.
Ang MCC ay ipapangalan sa yumaong Governor Benjamin ‘Kokoy’ Romualdez, ama ni Speaker Romualdez. Ang OM ay isa sa anim na pampublikong ospital na pinapatakbo ng pamahalaang lokal ng Maynila na pawang nagbibigay ng libreng serbisyong medikal para sa mga residente ng lungsod..
Unang illagay rio ay ang CT scan at isang linear accelerator upang mabigyan ang mga pasyente ng ‘non-invasive radiation therapy.’
“Libre po siya sa lahat ng Manilenyo,” ani Tieng.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Lacuna kay Tieng sa proyektong MCC na para sa mga may sakit na cancer na hindi kayang tustuan and kanilang sakit.
Mahalaga umano kay Lacuna ang mga proyektong nakasuporta sa pagsisiklap ng kanyang administrasyon na makapagbigay ng mas malawak na libreng health services para sa mga mahihirap na taga-Maynila. (Jerry Tan)