TAMBAK na naman ang mga bills, kaliwa’t kanan ang utang, may mga responsibilities sa family na dapat tugunan, may mga deadline sa trabaho…ano pa?
Natataranta ka na naman. Mga kasama sa bahay nasusungitan mo na at bugnutin ka rin sa trabaho. Sa dami ng problema, nakakaramdam ka ng constipation, palpitations. Hindi na rin makatrabaho nang maayos.
At kadalasan, tila pagod na pagod ka na kahit wala ka namang mabigat na ginagawa. Walang gana magtrabaho at talagang napipilitan ka na lang. Nega rin ang tingin mo sa trabaho mo. Hapong-hapo ka lang dahil sa kakaisip.
Burnout ang tawag diyan.
Ano nga ba ang burnout?
Burnout is a state of complete mental, physical, and emotional exhaustion.
How to deal nga ba with burnout nang hindi gumagastos?
1. Kausapin ang direct superior mo
Kung open ang mga boss sa mga ganitong sitwasyon yung pwede kang magsabi ng saloobin mo sa kanila, then go. Ipaliwanag ang nararamdaman mo. Communication is important para sa isang masigla at healthy na work environment. Kapag nakakaramdam ka na ng burn-out, bitawan mo na muna ang iyong ginagawa at humingi ng saklolo sa supervisor mo.
2. Kung may holiday, mag-holiday ka
Huwag na muna isipin ang holiday pay. I-try mo rin ang mag-long weekend na nasa bahay lang na nagpapahinga at ginagawa ang matagal mo nang gustong gawin.
3. Savor moments of being alone
I-date mo ang sarili mo, lumabas kang mag-isa kung day off. Kung breaktime naman sa trabaho, i-enjoy ang paglalakad ng solo malapit sa office ninyo. Walking is destressing.
4. Itulog mo yan
Ang pagtulog ay mahalaga sa ating physical at mental health. At hindi lang basta tulog, enough sleep dapat, yung anim hanggang walong oras.
5. Kumain nang maayos
Huwag gamitin ang lunchbreak as your extra hours of work. Find time to relax while eating.
6. Hanap nang makakausap na susuporta sa iyo
Ang pakikipag-usap sa mga trusted na officemates or coworkers ay makakatulong sa iyo, bukod pa sa mga kaibigan mo sa labas ng iyong pinapasukan at pamilya. Yung suporta na maibibigay nila sa iyo ay isang bagay na magpapalakas sa iyo sa gitna ng stress sa trabaho.
saklolo sa iyong immediate manager. Magpa-check-up ka na rin kung me medical health card ka
naman. Hangga’t maaga maa-address mo ito.
7. Meditate
Need mo ng mindfulness moment? Take a deep breath. Pwedeng gamitin ang cellphone to listen to music na makakarelax ng isipan mo.
Hopefully makatulong itong mga tips na ito para sa inyo. Until the next column!