ISINUGOD sa pagamutan ang isang 18-anyos na babae mula sa China makaraang humantong sa diabetic coma ang pag-inom niya ng milk tea araw-araw sa loob ng isang buwan.
Ayon sa ulat, bago natagpuang walang malay ay nakaranas ng pagkahilo, madalas na pag-ihi at dehydration ang babae.
Nang suriin sa ospital ang blood sugar level ng teenager ay natuklasan na 25 beses umanong mas mataas sa normal.
Agad na kinabitan ng ventilator ang pasyente at sumailalim sa hemodialysis.
Nagising siya sa coma makalipas ang limang araw.
Karaniwan na mayroong 54 grams ng asukal ang sa isang cup ng milk tea.