6 benepisyo ng pagtakbo: Bakit siya mahalaga sa iyong kalusugan?

ISA sa pinakapopular na ehersisyo ang pagtakbo.

Hindi lang sa malaki ang benepisyo nito sa iyong kalusugan, wala ka ring malaking gastos dito. Hindi na kailangan pa ng kung ano-anong equipment at pwedeng gawin kahit saan at kung anong oras mo siyang maisipan.

Napakahusay ng pagtakbo para sa iyong puso.

1. MAGANDA SA PUSO

Isa ang running o maging ang jogging na cardio exercise. Ang 10 minutong pagtakbo ay nakakababa ng risk para makakuha ng cardiovascular disease.

Ayon sa pag-aaral, runners lower their chances of dying from heart disease by half.

Ibinababa rin nito ang “resting heart rate”, ang bilang ng yung heart beat per minute habang ikaw ay nagpapahinga. Magandang indicator ito ng iyong overall health and fitness. Ang mas mababang rate, ay mas mainam ang heartbeat.

2. MAKAKATULONG SA MAAYOS NA PAGTULOG

Malaking tulong ang pagtakbo para maging maayos at maganda ang iyong tulog. Ang pagtakbo gaya rin ng aerobic exercise ay nakakapag-release ng endorphins, ang chemical na makakatulong para ma-relieve ang iyong pain at stress. Iwasan lang ang pagtakbo bago matulog.

3. IMPROVED KNEE AND BACK HEALTH

Sa isang pag-aaral, 675 marathon runners ang napatunayan na bumaba ang chance ng arthritis rate kumpara sa mga hindi tumatakbo. The more you run, the more kang makakaiwas sa mga problema sa iyong likod habang ikaw ay tumatanda.

4. IMPROVED MEMORY

Malaki rin ang naitutulong ng pagtakbo sa iyong memorya. May epekto ito sa iyong brain, short o long term man ang pag-uusapan.

5. IWAS SA SIPON

Malaking tulong din ang pagtakbo para hindi madaling dapuan ng sipon. Matindi ang naidudulot ng pagtakbo sa iyong immune system.

6. BETTER MOOD AND ENERGY

Nakaka-improve din ng mood ang pagtakbo. Malaki rin ang naitutulong nito para mas concentrated ka sa iyong trabaho. Ibig sabihin malaking tulong ang pagtakbo sa iyong overall quality ng iyong buhay.

Tara takbo na!