2 bagong kaso ng mpox naitala sa Metro Manila

DALAWANG bagong kaso ng mpox ang kinumpirmang naitala sa Metro Manila, ayon sa Department of Health.

Gayunman, ang mga ito ay kapwa milder cases lamang.

Naitala ang ika-11 kaso noong Agosto 20,2024 mula sa isang 37-anyos na lalaki.

Ipinasok siya sa isang government hospital noong Agosto 22.

Ang ika-12 kaso naman ay isang 32-anyos na lalaki rin na nagakaroon ng sintomas noong Agosto 14. Anya nagkaroon siya ng close contact sa isang sexual partner.

Nasabihan na rin ang mga lokal na pamahalaan kung saan nakatira ang dalawang pasyente.