NAG-ISYU ang Food and Drug Administration (FDA) nang bagong listahan ng mga gamot na tinanggalan ng VAT para higit na maging kapaki-pakinabang sa mas maraming Pinoy.
Sa FDA Advisory No. 2024-1118 na nilagdaan ni Director General Samuel Zacate nitong Agosto 19, hiniling nito sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na gawing VAT-free ang tatlong gamot para sa diabetes at mental illness; tig-dalawa sa hypertension at kidney disease at tig-isa sa cancer at tuberculosis.
Ito ang ika-limang advisory na inilabas ng FDA para ma-VAT exampt ang ilang produktong pangkalusugan.
Pasok sa bagong listahan ang mga sumusunod
Denosumab 70 mg/mL — gamit para sa osteoporosis, bone loss, bone cancer at giant cell tumor of bone
Bedaquiline (fumarate) 100 mg, isang antibiotic para sa may aktibong TB;
Finerenone 10 mg/20 mg, na ginagamit para pababain ang risk ng serious kidney at heart problem para sa mga may chronic kidney disease.
Kabilang din sa listahan ang Linagliptin 5 mg; Sitagliptin (phosphate monohydrate) + Metformin hydrochloride 50 mg/500 mg and Metformin Hydrochloride + Sitagliptin (phosphate monohydrate) 1 g/50 mg; at antihypertensive drugs Losartan Potassium + Amlodipine (Besilate) 100 mg/10 mg; at Candesartan cilexetil 32 mg.
Pasok din sa VAT exemption ang antidepressants Desvenlafaxine (succinate monohydrate) 100 mg; Desvenlafaxine (succinate monohydrate) 20 mg and Quetiapine (fumarate) 200 mg, na pawang antipsychotic drugs na panlaban sa schizophrenia.
Ang nasa bagong listahan ay dagdag sa 2,000 gamot para sa diabetes, hypertension, cancer, high cholesterol, mental illnesses, tuberculosis and kidney diseases, na nauna nang tinanggala ng VAT base sa ipinasang batas na Republic Act No. 10963, or the Tax Reform for Acceleration and Inclusion or Train Act, at RA 11534, or the Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.