YouTube stars Buknoy, Makagwapo nagbanggaan sa basketball court

KINAILANGANG suriin ng mga emergency medical technicians ang YouTube celebrity na si Buknoy Glamurrr makaraan siyang bumagsak nang mabangga ng isa pang YouTuber na si Makagwapo sa Battle of YouTubers basketball matchup.


Sa live stream ni Makagwapo o Christian Merck Grey, makikita si Buknoy o Andrew Luis Lapid sa loob ng ambulansya na inieksamin ang kanyang braso.


Sinabi ng isa sa mga medical staff na wala namang naging grabeng pinsala na tinamo si Buknoy.


“Okay naman siya. Mababa kasi pain tolerance niya,” ayon sa paramedic.


Ayon sa kwento ni Makagwapo, nagkabanggaan sila ni Buknoy sa gitna ng laro at bumagsak ito sa sahig na una ang kaliwang braso.


Agad namang rumesponde ang mga nakaantabay na medical staff at dinala si Buknoy sa ambulansya.


Isa si Buknoy sa mga pinakakobtrobersyal na YouTubers sa bansa. –A. Mae Rodriguez