Vico ayaw ng regalo sa ika-32 kaarawan

NAKIUSAP si Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang mga tagasuporta na huwag na siyang bigyan ng regalo sa kanyang nalalapit na kaarawan.


Ipagdiriwang ni Sotto ang kanyang ika-32 kaarawan sa Huwebes.


“Maraming salamat sa mga bumabati sa atin. ‘Wag na po kayo magpadala ng regalo ha?” aniya sa Facebook live video.


“‘Wag na po masyadong ano. Hindi naman talaga ako nagse-celebrate ng birthday. Bati ninyo sapat na, hindi na kailangan ng regalo. Baka may nagbabalak pa magpadala ng regalo, wag na po. Okay lang po ako,” dagdag niya.


Kung magiging mapilit ang mga fans at tagasuporta niya, sinabi ni Sotto na bumili na lang sila ng food packs para ibigay sa mga mahihirap na mamamayan.


“Kung gusto ninyo, bumili na lang po kayo ng food pack. Ibigay n’yo po sa nangangailangan,” aniya.


“Gamitin ninyo na lang po ‘yung pera, i-donate n’yo po sa mas nangangailangan,” sabi pa ng alkalde.