MALAKING palaisipan sa ilang netizens ang kahulugan ng bagong commercial ng Mega Tuna kung saan mapapanood ang isang butiki na nahumaling sa canned tuna. Comment ng mga netizens, “walang konek” ang tuna at ang butiki sa nasabing ad. Ilan pa sa mga ito ay tinawag ito na “basura” at “malabo”.“Kalabuan for kalabuans sake, Basura, Unless may mag-explain sa akin ng essay kung anong kinalaman ng butiki sa tuna,” chika ng isang netizen.
“Ang g*** naman nitong Mega Tuna eh, sa dami ng hayop na gagawing character sa commercial bakit naman butiki? Nakakapanghina tuloy,” ayon naman sa isa pa. Umani na ng mahigit 19,000 views ang naturang video sa YouTube mula nang inilabas ito noong March 19 at isang milyong views mula sa shared post ng isang page sa Facebook.
Nauna namang binatikos ng netizens and commercial ng RC Cola na inilibas noong Nobyembre 2020 dahil sa kawalan din umano ng sense. Isang ad agency lamang ang may pakana ng dalawang commercials. –A. Mae Rodriguez