Sikreto ng 111-anyos: utak ng manok

KUNG gusto mong humaba ang iyong buhay, may payo ang 111-anyos na si Dexter Kruger, ang pinakanatandang Australyano: kumain ng utak ng manok.


“Chicken brains. You know, chickens have a head and in that is some brains, and they are delicious little things. There’s only one bite,” ani Kruger sa kanyang paboritong pagkain.


Maliban sa kakaiba niyang diet, malapit din si Kruger sa kalikasan at simple lamang ang kanyang pamumuhay.


“I do things differently. I lived very close to nature and I ate mostly what I grew in the garden or the orchard or the farm,” aniya.


Sinabi naman ng anak niyang si Greg Kruger na mahilig din kumain ang ama ng mga pagkain na maaalat, matatamis at mataba.


Pero idinagdag niya: “He lived through a period that was a lot less stressful than what society is faced with today,” ayon sa anak. “He didn’t go around chasing the bright lights, he was happy being around horses and cattle.”


Ipinanganak si Kruger noong Enero 13, 1930.