Noo ni Vico viral: ‘Parang noo ni Kyungsoo’

VIRAL ang photo/press release ni Pasig Mayor Vico Sotto na ipini-flex ang bagong tayo na on-grid solar power system sa Pasig Sports Center.


Isa sa mga larawan na pinost ni Vico sa kanyang Facebook account ang nasabing solar power system na nakunan pati ang kanyang noo.


“Pinaglaruan” naman agad ng mga supporter ni Sotto ang picture at inihambing sa photocard ng EXO member na si Kyungsoo.


Chika ng mga netizens:
“Rare photocard of kyungsoo’s forehead, clone version.”


“Kyungsoo Photocard Limited Edition Version 2.0 Pro Max.”


“Updated na pala ung photocard ni kyungsoo may pa aesthetic background na noo niya ang taray talaga.”


“Malapit na comeback ng EXO Mayor. Pa stream naman po ng songs nila.”


“EXO-L po kasi ako, sana ikaw din po.”


“Kyungsoo rare forehead photocard ready na for bidding.”