Site icon Pinoy Publiko

Nakamamatay ba ang chikinini?

ITO ang tanong ng ilang netizens matapos lumutang uli online ang kwento ukol sa isang teenager na nasawi makaraan siyang lagyan ng hickey o love bite ng kanyang girlfriend noong 2016.


Ayon sa ulat, nag-date si Julio Macias Gonzales ng Mexico at kanyang kasintahan at pag-uwi ng bahay ay bigla na lang nangisay at nag-collapse ang bagets.


Naisugod pa sa ospital ang biktima pero hindi na naisalba ng mga doktor ang kanyang buhay.


Ayon sa mga manggagamot, na-stroke ang biktima dahil sa blood clot sa kanyang utak. Ang salarin: ang chikinini sa leeg niya na gawa ng kanyang girlfriend.


Hindi naman sinabi sa ulat kung nadakip ang babae na nagtago makaraan ang insidente.


Noong 2011, isang babae na taga-New Zealand ang nagka-mild stroke dahil din sa chikinini.


Nagkaroon din ito ng blood clot na umabot naman sa kanyang puso.

Exit mobile version