Magpabakuna at manalo ng baka!

UPANG mas marami pa ang magpabakuna laban sa Covid-19, magpapa-raffle ng isang buhay na baka sa distrito sa hilagang Thailand para sa mga residente na nabakunahan.


Mula sa susunod na buwan, isang masuwerteng residente ng Mae Chaem district sa Chiang Mai province ang mananalo kada linggo ng batang baka na may halagang 10,000 baht.


Tatakbo ang pa-raffle nang 24 linggo kaya naman marami na ang nagsabing magpapabakuna sila.


“Our vaccine registration numbers have gone from hundreds to thousands in a couple of days,” ani district chief Boonlue Thamtharanurak. “The villagers love cows. Cows can be sold for cash.”


Magsisimula ang vaccine rollout sa Mae Chaem sa Hunyo 7.