Gaya ni Jonah sa Bibliya: Lalaki nilulon ng balyena

NATATANDAAN mo pa ba ang kuwento ni Jonah, ang propetang Hudyo na nilulon ng higanteng isda?
Halos ganito ang nangyari sa mangingisdang si Michael Packard ng Massachusetts na nakain ng isang balyena.
“I was in his closed mouth for about 30 to 40 seconds before he rose to the surface and spit me out,” kuwento ni Packard sa Facebook matapos ang pangyayari.
“A humpback whale tried to eat me. I am very bruised up but have no broken bones,” dagdag niya.
Ayon kay Packard, nagha-harvest siya ng lobster sa dagat nang biglang lumakas ang alon.
“All of a sudden, I felt this huge shove and the next thing I knew it was completely black,” aniya.
Unang naisip niya ay kinain siya ng pating, pero dahil wala naman siyang sugat kaya napagtanto niya na nasa loob siya ng balyena.
“I saw light, and he started throwing his head side-to-side and the next thing I knew I was outside,” dagdag ni Packard.
Nasaksihan naman ng katrabaho ni Packard na si Josiah Mayo ang pag-angat ng balyena at pagbuga ng tubig bago tumalsik palabas si Packard.