Beki, tomboy nagpakasal sa Laguna

INULAN ng pagbati mula sa LGBTQIA+ community at mga supporters nito ang pagpapakasal ng isang gay at lesbian couple kamakailan sa Laguna.


Ikinasal sina Tiffany Futari at Letli Evangelista nitong Miyerkules sa seremonya na pinangasiwaan ni Calamba Mayor Justin Marc SB. Chipeco.


Sa mga larawan na shinare ni Tiffany sa Facebook, makikita siyang nakasuot ng wedding gown habang suit naman ang suot ni Letli.


Dalawang taong magsama ang dalawa bago sila nagdesisyon na magpakasal.


“Sa lahat po ng nasa likod para maisakatuparan ang lahat ng ito, maraming maraming salamat po hindi kuna po kayo iisa isahin, i love you all and god bless you,” ani Tiffany sa kanyang Facebook post.