SA edad na lima ay nakapagtapos na si Adhara Perez sa elementarya; walo, sa high school at ngayong 10-anyos na siya ay pinagsasabay niya ang mga kursong Industrial Engineering at Systems Engineering sa kolehiyo.
Si Perez ng Mexico City, Mexico ang pinaniniwalaan na pinakabatang pinakamatalino sa mundo.
Sa sobrang talino, mas mataas pa ang IQ niya kumpara sa mga physicists na sina Albert Einstein at Stephen Hawking.
Dahil sa pagiging “special” ay ipinasok si Adhara ng kanyang mga magulang sa Center for Attention to Talent (CEDAT), isang paaralan para sa mga gifted children.
Doon ay nadiskubre na isang certified genius ang bata dahil sa kanyang 165 IQ na mas mataas sa 160 IQ nina Einstein at Hawkings.
Ayon kay Adhara, nais niyang makapagtrabaho sa NASA upang makapunta ng space at ma-colonize ang Mars.