Babae nag-collapse, binantayan ng aso

THANKFUL si Hazel Nuestro Rivera dahil hindi siya iniwan ng kanyang aso nang mag-collapse sa gitna ng kalsada.


Nakunan pa ng larawan si Rivera na nakahandusay sa kalye at binabantayan ng alagang si Snow habang naghihintay ng tulong.


Ayon kay Rivera, hindi raw siya madala-dala sa ospital dahil inaaway umano ni Snow ang mga nais magmabuting-loob na dalhin siya sa pagamutan.


Dagdag niya, hinintay pa ni Snow ang ambulansya para tuluyan siyang magamot.


“Alagaan mabuti mga aso natin kasi minsan sila magliligtas (sa atin),” payo naman ni Rivera sa kanyang post.


Hindi naman sinabi ni Rivera ang dahilan ng pagtumba niya.


Mayroon nang mahigit 72,000 reaction at 21,000 shares ang post. –A. Mae Rodriguez