PABIRONG sinabihan ni Vice President Sara Duterte ang reelectionist at kapatid ni Pangulong Bongbong Marcos na si Senador Imee Marcos na magpalit na ito ng apelyido.
“Magpalit ka na po ng apelyido mo. Ay, Romualdez pala ‘yung middle name mo,” biro ni Duterte habang nasa entablado ng campaign sortie sa Tondo, Maynila, Huwebes ng gabi.
Tinukso rin ni Duterte si Marcos kung sigurado pa ba ito sa kanilang tambalan.
Matatandaang umalis si Marcos sa senatorial slate ng kanyang kapatid.
Sa nasabi ring rally, nagpahaging rin si Duterte tungkol sa posibilidad ng pagtakbo niya bilang pangulo.
“Tanggalin ko lang po ‘yung seal ng aking opisina. Palitan natin ng seal ng Office of the President,” aniya.
Matatandaan na nabuwag ang UniTeam noong 2024 matapos ang alitan sa pagitan ng kampo ni Bongbong Marcos at ni Duterte.