Site icon Pinoy Publiko

Vilma Santos una sa pagka-gobernador ng Batangas; anak na si Luis tambak sa pagka-bise gob


KUMINANG
pa rin ang Star for All Seasons at dating House Deputy Speaker Vilma Santos-Recto sa bakbakan sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Batangas matapos itong manguna sa karera base sa paunang resulta ng halalan nitong Lunes.

Ngunit taliwas sa kanyang magandang pagtakbo, ang kanyang anak na si Luis “Lucky” Manzano ay tila minalas sa karera sa pagka-bise gobernador.

Ayon sa mga partial at unofficial results as of 9:50 ng gabi nitong Lunes, nakakuha si Santos-Recto ng 528,755 na boto, samantalang ang kanyang pinakamalapit na kalaban na si Mike Rivera ay may 429,363 boto.

Samantala, tinambakan ni Dodo Mandanas si Manzano matapos makapagtala ang una ng 662,341 boto habang ang huli ay meron lamang na 455,589.

Ayon sa ulat may 1,371,194 boto na ang napoproseso o 81.08 porsyento ng kabuuang bilang ng rehistradong botante sa Batangas na umabot sa 1,958,794.

Exit mobile version