Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa binaril habang nangangampanya sa Leyte

SUGATAN ang self-confessed drug lord at ngayon ay mayoral bet sa isang bayan sa Leyte na si Kerwin Espinosa matapos barilin Huwebes ng hapon sa barangay Inag-an, Albuera.

Ksama ni Espinosa ang kanyang slate sa isang covered court at doon nangangampanya nang barilin ito alas-4 ng hapon.

Si Espinosa, na itinuturong drug lord noong kasagsagan ng drug war noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte, ay tumatakbong alkalde sa nasabing bayan na dati na ring hinawakan ng kanyang ama na si Rolando.

Pinatay si Rolando noon 2016 habang nakakulong dahil sa kasong drugs sa sub-provincial jail sa Baybay City, Leyte.

Inaresto naman si Kerwin Kerwin sa Abu Dhabi, United Arab Emirates, nang nasabi ring 2016, at idineport sa Maynila.

Ilang kaso ng droga ang isinampa kay Kerwin nguni sa kinalaunan ay pinawalang-sala dahil sa kakulangan sa ebidensya.

Bukod kay Espinosa, isang menor de edad din ang naiulat na nasugatan sa pamamaril.