Site icon Pinoy Publiko

Pinoy Workers party-list magtatayo ng Workers’ Center sa Puerto Princesa

INANUNSYO ng Pinoy Workers, ang party-list group na tubong Palawan at tumatakbo para sa Kongreso, ang plano nitong pagtatayo ng isang halfway home sa Puerto Princesa City upang suportahan ang mga manggagawang bumibiyahe sa kabisera para sa mga usaping may kinalaman sa trabaho.

Ayon kay Ralph Julius Santos, pangalawang nominado ng grupo, ang planong Pinoy Workers’ Center ay magbibigay ng libreng matutuluyan at komprehensibong tulong para sa mga naghahanap ng trabaho, lokal man o sa ibang bansa.

Layunin ng grupo na ang center sa Puerto Princesa ay gagawing pilot project bago ito ipatupad sa buong bansa.

“Itatayo muna namin ito sa Palawan bilang pilot project bago namin ito ipatupad sa buong bansa,” pahayag ni Santos.

Aniya, magsisilbing modelo ang tagumpay ng proyekto para sa mga susunod pang itatayong pasilidad sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ang pasilidad ay magkakaroon ng business center at internet access upang matulungan ang mga manggagawa sa kanilang aplikasyon at iba pang trabaho.

Magkakaroon din ito ng staff na handang tumulong ng libre sa mga manggagawa.

Exit mobile version