PINAYUHAN ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia ang mga botante na pumili ng kandidato base sa kanilang mga posisyon sa mahahalagang isyu at hindi base sa kanilang personalidad.
Dapat anyang maging mapag-obserba ang lahat ng botante ngayong panahon ng pangangampanya at timbanging mabuti ang kanilang mga posisyon sa pinakamahahalagang isyu gaya ng presyo ng mga bilihin at kahirapan.
“Dapat matingnan at atin silang maobserbahan. Ano ang posisyon? Paano nila mapapababa ang presyo ng gasolina, bigas? Kahirapan, paano mapapababa?” ayon kay Garcia sa panayam ng Teleradyo 630.
“Yan po ay dapat obserbahan para di po tayo personality-based. Issue-based ang pagboto,” hirit pa nito.