No proclamation sa Duterte Youth

HINDI pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) na maiproklama ngayong Lunes ang Duterte Youth party-list dahil sa mga nakabinbin petisyon laban dito.

Bukod sa Duterte Youth, hindi rin ipinroklama ang Bagong Henerasyon party-list, base sa resolusyong inilabas ng Comelec na umuupo ring National Board of Canvassers.

“In its recommendation dated May 17, 2025, the supervisory committee has recommended the suspension of the proclamation of Duterte Youth Partylist and BH Bagong Henerasyon,” ayon kay Comelec Chair George Garcia.

“Considering the serious allegations raised in the above petitions which involved grave violation of election laws, the National Board of Canvassers resolves to suspend the proclamation of Duterte Youth Party-list and Bagong Henerasyon Party-lists until the speedy and judicious resolution of the petitions filed before the Clerk of Commission,” pahayag pa nito.

Ang Duterte Youth ang ikalawang party-list group na nakakuha ng may pinakamataas na boto, dahilan para makakuha ito ng tatlong posisyon sa Kamara.

Nakapagtala ito ng kabuuang boto na 2,338,564.

Sinuspinde ang kanilang proklamasyon dahil sa mga petisyon na kumukwestyon tungkol sa edad ng kanilang mga nominado.

Anila, hindi makatotohanan ang sinasabing representasyon ng grupo.

Isa sa mga nominado nito noong 2019 ay si dating National Youth Commission chairman Ronald Cardema na nauna nang diniskwalipika ng Comelec.

Ayon sa party-list law tungkol sa age requirement na magre-represent ng kabataan, ang maximum na edad nito ay 30. Gayunman, 34-anyos na si Cardema nang maging nominee ito ng grupo noong 2019.

Dinala naman ng grupo ang kaso sa Korte Suprema.