Nadine Lustre to voters: ‘Nagpapabango huwag iboto’

AWARD-winning actress Nadine Lustre asked voters to think critically before casting their ballots on Monday, May 12, reminding them to look beyond campaign glitz and empty promises.

“Ang pakiusap ko at sana wag masamain — pag-isipan nating mabuti ang iboboto natin. Huwag taong papadala sa ganda ng salita, ningning ng campaign ads at pagpapakitang tao ng mga kandidato natin,” she wrote in a lengthy Facebook post.

Lustre expressed concern over the continued exploitation of poverty during elections. “Nalulungkot din isipin na patuloy na sinasamantala ang kahirapan ng iba. Hindi dapat nabibili ang boto — pero sa bawat halagang iniaabot, may kinabukasang isinusuko. Hindi patas.”

She also urged the public to assess candidates based on their track records. “Kaya sana po kilatisin natin ang track record. Alamin kung sino talaga ang totoong naglilingkod at sino lang ang nagpapabango ngayon dahil kailangan nila ng boto.”

“Dahil ang totoo, hindi natin kailangan ng lider na magaling magsalita — kailangan natin ng lider na marunong makinig at tunay na may malasakit sa ating lahat.”

Recognizing the differences in political beliefs, Lustre emphasized unity. “Magkakaiba man tayo ng paniniwala at pinapaborang kandidato — normal lang ‘yon. Pero sa kabila ng lahat, huwag sana nating kalimutan: iisang bayan ang kinabibilangan natin. Iisang kinabukasan ang hinuhubog natin ngayon.”

She ended her post with a strong call for responsible voting: “Magsimula tayo sa isang boto. Sa isang desisyong tapat, bukas ang mata at may puso sa kapwa. Para sa kinabukasan. Para sa bayan. Para sa isa’t isa.”

“At kung darating man ang bagong bukas, sana hindi dahil sa suwerte — kundi dahil pinili nating lahat na lumaban para sa mas mabuting ngayon,” she added.